**GCQ Guidelines ng Lungsod ng Gen. Trias**
Narito ang mga alituntunin base sa pamahalaang lokal ng Lungsod ng Gen. Trias, inanunsyo ng Mayo 15 ng kanilang LGU.
Inaprubahan ni Mayor Ony Ferrer ang Executive Order No. 16, series of 2020, “An Order Prescribing the General Trias Pandemic Resilience and Sustainability Protocols”, na nagtatakda ng mga panuntunan upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ). Inaasahan po ang pakikiisa ng lahat ng mamamayan at establisyemento. Narito ang salient provisions ng nasabing Executive Order.
– Pagsuot ng face mask sa pampublikong lugar at workplace.
– Social distancing na 2 meters, maglalagay ng floor markings bilang gabay.
– Kailangan magsumite ng mga establishments ng schedule at tala ng clients na makakausap.
– Temperature checks ay kinakailangan sa mga estbalishments na enclosed at semi-enclosed.
– Kailangan maglagay ng alocohol/sanitizer dispenser sa mga entrance/exits.
– Hindi dapat lalagpas sa 10 katao ang nakalipon sa isang lugar.
– Lahat ng estbalishments, factories, offices at schools at kailangang magkaroon ng regular na sanitation/disinfection.
– Hinihikayat na gamitin ang online method, deliveries at contactless mechanism para sa mga transactions.
– Tanging take-out at delivery lang ang pwede sa mga food services.
– Hindi inirerekomenda ang physical meetings ng mga kumpanya. Kung kailangan talaga ang physical meeting, oberbahan ang 2-meter distance.
– Lahat ng commercial establishments (maliban sa Micro and Small enterprise) ay magsusumite ng COVID19 Contingency Plan.
– Kailangan nakapaskil sa pasilidad ang impormasyon tungkol sa mga kailangang obserbahang alituntunin tulad ng pagsuot ng face mask, social distancing, regular handwashing, disinfection of equipment at iba pang updates.
– May protocol na dapat sundin para sa mga maysakit na kliyente o empleyado.
– Mag-setup ng vegetable garden sa residential areas sa bawat barangay.
– Patuloy ang pagmonitor ng barangay sa mga estado ng COVID-19 sa lugar.
– Curfew hours ay susundin, 8PM – 5AM.
Para po sa mga nagtatanong tungkol sa Quarantine Pass, antabayan po ang mga susunod na announcements. Sa ngayon po ay mananatiling VALID ang inyong current passes.
Source: https://www.facebook.com/groups/gocavitecommunity/permalink/2589624741309699/